14 indibidwal nasapul ng hand, foot and mouth disease sa Cagayan

14 indibidwal nasapul ng hand, foot and mouth disease sa Cagayan

August 10, 2022 @ 8:38 AM 2 months ago


ALLACAPAN, CAGAYAN- Naitala ang 14 kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Ayon kay Faye Tabaldo Cortez, Sanitary Inspector ng RHU Allacapan, may apat na nagpositibo sa HFMD mula sa pitong nakuhanan ng specimen habang hinihintay pa ang resulta ng dalawa.

Nakitaan ang mga pasyente ng mga mapupulang mga butlig o sugat sa kanilang mga paa, kamay at bibig.

Mga nasa edad pitong taong gulang pababa ang kadalasang tinatamaan ng naturang sakit.

Dahil dito, pinayuhan ang mga magulang na panatilihing malinis ang katawan ng mga anak, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, at linisin o i-disinfect ang mga bagay na madalas hinahawakan o isinusubo ng bata upang makaiwas sa naturang sakit. Rey Velasco