14 kababaihang ibinubugaw, nasagip ng NBI; 4 arestado

14 kababaihang ibinubugaw, nasagip ng NBI; 4 arestado

July 19, 2018 @ 5:06 PM 4 years ago


 

Maynila – Nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 14 kababaihang ibinubugaw sa magkahiwalay na hotel sa Maynila.

Sa nasabing bilang, 6 dito ang menor de edad na nasagip sa isang hotel sa Tayuman habang ang 8 iba pa ay nasagip naman sa isang motel sa JP Rizal corner Useco Street, Tondo.

Sa inisyal na ulat, dinala ng isang van ang mga biktima sa mga hotel kung saan sila ibubugaw sa halagang P1,000 hanggang P1,500 kada isang babae.

Dinala na sa tanggapan ng DSWD ang mga nasagip na babae habang naaresto naman ang apat mga suspek na responsable sa pambubugaw sa mga biktima.

Habang isinusulat ang balitang ito ay sinisikap pang makuha ang pangalan ng apat na naarestong mga bugaw. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)