14 patay sa road crash sa India

14 patay sa road crash sa India

February 26, 2023 @ 1:13 PM 4 weeks ago


INDIA – Umabot sa 14 katao ang patay habang 50 iba pa ang sugatan sa nangyaring road crash sa central Indian state ng Madhya Pradesh.

Ayon sa ilang opisyal, nangyari ang insidente Biyernes ng gabi, Pebrero 24 sa Sidhi district kung saan binangga ng truck ang tatlong bus na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Pagbabahagi ni Mukesh Shrivastava, police superintendent, 14 katao ang nasawi at 56 ang sugatan sa insidente.

Sa impormasyon ni Saket Malviya, top district administration official, huminto sa gilid ng kalsada ang tatlong bus para sa mga kakain, iinom o iihi nang mawalan ng balanse ang truck dahil sa sumabog na gulong, dahilan para sa rear-end collision.

Kasunod nito, inanunsyo ni Chief Minister Shivraj Singh Chouhan na makakatanggap ng isang milyong Indian rupees o USD 12,057 ang mga naulila ng mga biktima. RNT/JGC