14 patay sa strike ng Ukraine sa ospital sa Russia

14 patay sa strike ng Ukraine sa ospital sa Russia

January 29, 2023 @ 10:23 AM 2 months ago


RUSSIA – Inakusahan ng defense ministry ng Russia nitong Sabado, Enero 28 ang Ukrainian army sa pagpapasabog sa isang ospital sa eastern Lugansk region na ikinasawi ng 14 katao at 24 iba pang nasugatan.

Ayon sa Russia: “The Ukrainian armed forces deliberately attacked the building of a district hospital” gamit umano ang isang US-made HIMARS multiple-launch rocket system.

Idinagdag pa na 14 sa mga nasawi at 24 na mga nasaktan ay mga pasyente ng ospital o kaya ay medical staff, kung saan ang tumutugon sana ito sa mga pangangailangang medikal ng mga residente roon at mga military personnel.

“A deliberate missile strike on a known active civilian medical facility is, without doubt, a grave war crime by the Kyiv regime.” RNT/JGC