14 sugarol nasukol

14 sugarol nasukol

October 24, 2022 @ 2:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi na nakaporma ang 14 na sugarol nang masukol sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa iligal na sugal sa Navotas.

Haharap sa kasong illegal gambling sina Eddie Marilaso at Jeremy Fajardo sa Brgy Tanza 2, habang sa Brgy. San Jose naman ay nabulaga sina Raymond Silva, Lito Del Pilar, Nuestro Sulya, Jonathan Donaire at Jomar Amor.

Natimbog naman sa Brgy. BBN sina Randy Baja, Junver Ganancial at John Michael Pulangco.

Bagsak din sa kalaboso sina Rob Mahusay at John Joel Bagaan na natiklo sa Daang Hari, at himas-rehas din sina Darwin Anduyan at Jayson Montecalvo na inabutang nagsusugal Sitio Puting Bato. Merly Iral