140 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

140 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

January 16, 2023 @ 4:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nag-alboroto na naman ang bulkang Taal makaraang makapagtala ng 140 volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag, iniulat nitong Lunes, Enero 16 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig ay nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal.

Sinabi pa ng ahensya na naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkang Taal na may taas na 1000 metro.

Nabatid pa sa Phivolcs na namataan ang maikling pamamaga sa timog-silangang bahagi ng bulkang Taal.

Umiiral pa rin ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok ng sinuman sa paligid ng bulkang Taal lalo na malapit sa bunganga nito.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng volcanic earthquake at pagbuga ng ashfall.

Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas. Santi Celario