140 pang BA.5 Omicron subvariant cases nadiskubre sa Pinas – DOH

140 pang BA.5 Omicron subvariant cases nadiskubre sa Pinas – DOH

July 7, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- May natukoy pang 140 karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant BA.5 sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa DOH media briefing na ang 99 indibidwal ay mula sa Western Visayas, 21 mula National Capital Region (NCR), 7 mula sa Calabarzon, at 5 mula sa Ilocos Region.

Natukoy din ang tig-isang kaso ng BA.5 mula sa Central Luzon, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Isang returning overseas Filipino (ROF) din ang nagpositibo sa nasabing Omicron variant.

Sa BA.2.12.1, sinabi ni Vergeire na mayroon ding 20 pang kaso na naitala sa bansa, kung saan halos lahat ay gumaling.

Sa bagong mga kasi ,5 indibidwal ay mula sa NCR, may tig apat mula sa Western Visayas at Calabarzon, habang dalawa naman mula sa CAR.

May isang kaso mula sa Ilocos Region at apat na ROF din ang nagpositibo sa BA.2.12.1.

Mayroon ding 7 karagdagang kaso ng BA.4 na natukoy sa bansa at lahat ng ito ay gumaling na ayon sa DOH.

Anim sa nasabing mga kasi ay mula sa Bicol Region at Isa mula sa NCR. Jocelyn Tabangcura-Domenden