140 pasahero ng bangka stranded sa Cagayan

140 pasahero ng bangka stranded sa Cagayan

August 23, 2022 @ 2:18 PM 1 month ago


APARRI, CAGAYAN -Umaabot sa 140 pasahero ang stranded bunsod ng sama ng panahon dahil sa bagyong Florita sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Ayon kay CG LTSG Miguel Angelo Gangan, Chief of Staff ng Coast Guard District North Eastern Luzon, ang mga stranded ay kinabibilangan ng 80 students, 40 civilians at 20 na mga bata.

Ayon kay Gangan, naghihintay na lamang sila ng direktiba bago ang gagawing pagbibigay sa kanila ng sasakyan para sa ligtas na pagbabalik nila sa kanilang destinasyon sa Linao, Aparri West.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng kanilang hanay sa kanilang area of responsibility kung saan ay inatasan na ang kanilang mga stations sa Cagayan, Aurora, Batanes at Calayan na bantayan ang kanilang coastal areas.

Ito ay upang matiyak na walang magiging pasaway dahil sa umiiral ngayon ang “No Sail” policy.

Samantala, ilang daanan, tulay at pangunahin kalsada sa rehiyon dos ay umapaw na ang tubig baha at daan-daan na rin ang inilikas dahil sa walang humpay na pag-uulan dala ng bagyong florita. Rey Velasco