1,414 bagong kaso ng COVID-19 naitala; 72 gumaling; 16 patay

1,414 bagong kaso ng COVID-19 naitala; 72 gumaling; 16 patay

February 23, 2021 @ 4:02 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umabot na sa  564,865 ang kabuuang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease sa Pilipinas matapos makapagtala pa ng bagong  1,414 na mga kaso ngayong Pebrero 23.

Umakyat na rin sa 522,941 ang bilang ng mga recoveries dahil gumaling na sa sakit ang nasa 72 pang indibidwal.

Habang  mayroon namang 16 na nadagdag sa mga pumanaw dahilan para maging 12,107 na ang namamatay sa Covid-19.

Nasa 29,817 naman ang aktibong mga kaso o yung mga nagpapagamot pa sa ibat-ibang quarantine facility at ospital sa bansa.

Batay pa sa tala pa rin ng DOH, mayroong limang duplicates na inalis s atotal cae counts  kung saan dalawa ang recoveries.

Tatlong kaso naman na na-tag bilang  pumanaw ang nare-classify  bilang recovereis habang tatlong kaso pa  ang na-tag na gumaling ang na-reclassify  bilang pumanaw matapos ang final validation. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •