142 bagong kaso ng COVID, naitala

142 bagong kaso ng COVID, naitala

February 26, 2023 @ 8:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang bansa ng 142 bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Pebrero 25.

Kasabay nito, tumaas naman sa 9,343 ang aktibong kaso ng sakit.

Ayon sa Department of Health, tumaas din sa 4,076,064 ang nationwide caseload ng COVID-19 kung saan nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 419.

Sinundan naman ito ng Davao Region sa 238, Calabarzon sa 173, Western Visayas sa 94 at Soccsksargen sa 74.

Samantala, mayroon namang pitong bagong nasawi dahil sa COVID-19 kung kaya’t ang death toll ay nasa 66,083 na habang ang bilang ng mga gumaling ay nasa 4,000,638 naman.

Nitong Biyernes, Pebrero 24, ang bed occupancy rate sa bansa ay nasa 17% sa 4,270 kamang okupado at 20,893 vacant beds. RNT/JGC