142 NPA,12 top leader na-neutralized noong 2021 —Army 3ID

142 NPA,12 top leader na-neutralized noong 2021 —Army 3ID

February 2, 2022 @ 3:09 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iniulat ng 3rd Infantry (Spearhead) Division (3ID) ng Philippine Army na na-neutraliuze ang nasa 142 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kasama na ang tap 12 leader noong 2021.

Sinabing 71 dito ang sumuko; 49 ang namatay sa engkuwentro; 14 ang na-apprehend ; at walo ang na-capture.

Base kay 3ID Public Affairs Office chief Captain Kim Apitong, ang ‘apprehended rebels’ ay mga naaresto sa checkpoints o events na walang warrant of arrest habang ang ‘captured’ ay mga nahuli sa combat operations.

Tinukoy naman dito ang high-ranking NPA leaders na nasawi na sina:

  • Reynaldo Bocala alias Russ/Bading, chief, Regional Finance Bureau of Komiteng Rehiyon-Panay;

  • Karima Lorena Tariman alias Ella/Emem, secretary, Northern Negros Front, Komiteng Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor (NNF, KR-NCBS);

  • Marilyn Badayos alias Monet, finance officer, NNF, KR-NCBS; at

  • Joven Ceralvo alias Lex, commanding officer, Front Operational Command at Deputy Secretary of Southern Front, Komiteng Rehiyon-Panay

 

RNT/FGDC