144 gun ban violators naitala sa simula ng election period- PNP

144 gun ban violators naitala sa simula ng election period- PNP

January 16, 2022 @ 4:12 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa 144 ang bilang ng mga naaresto sa paglabag sa election gun ban sa buong bansa, mula sa 76 na naiulat noong Biyernes, kasunod ng opisyal na pagsisimula ng 2022 election period noong Enero 9, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.

“Overall, 126 operations conducted, 144 [persons] arrested and 121 firearms already confiscated,” pahayag ni PNP chief Police General Dionardo Carlos.

Batay sa resolusyon ng Commission on Election (Comelec), saklaw ng ban ang pagdadala at pagbibiyahe ng firearms o deadly weapons sa labas ng tahanan sa lahat ng pampublikong lugar hanggang Hunyo 8.

Simula Enero 9, nagtalaga ang ng 18,978 checkpoints sa buong bansa upang ipatupad ang Comelec gun ban. RNT/SA