144 huli, 512 armas nakumpiska sa unang linggo ng gun ban

144 huli, 512 armas nakumpiska sa unang linggo ng gun ban

January 17, 2022 @ 8:15 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Huli ang nasa 144 indibdiwal sa unang linggo ng ikinasang 2022 national elections gun ban.

Sa kabuuan, nasa 121 baril ang nakumpiska hanggang nitong alas-6 ng umaga ng Linggo, habang aabot sa 512 iligal na armas, kabilang ang mga replika, ang nakumpiska sa kabuuan.

“Naki-usap naman kami, nagbigay kami ng maagang impormasyon. Gun ban, huwag tayo magdala ng baril,” ani Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos sa isang radio interview.

Iginiit ni Carlos na bilang deputized agency ng Commission on Elections (Comelec), sisiguruduhin ng PNP ang maayos at mapayapang eleksyon.

Tatagal ang umiiral na election gun ban hanggang Hunyo 8, 2022.

“Ang aming intensyon is to perform professionally for a peaceful elections. Kung gusto natin talaga ng peaceful, tayo-tayo magsama sama, ang botante, taumbayan at higit sa lahat yung ating mga kandidato na huwag tayo gumamit ng dahas, maging fair tayo,” dagdag pa ng PNP Chief.

Dagdag pa niya, mainit ang mata ngayon ng kapulisan sa apat na aktibong pribadong armed group na nag-oopereyt sa Rehiyon 12 (Soccsksargen)  at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Dagdag pa ni Carlos na hinihintay pa nila ang paglabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato para sa Halalan 2022 para malaman kung sino ang kanilang iba pang tututukan.

“We need to monitor if there is tension among them waiting to be triggered. It is our proactive approach in dealing with possible election-related violence,” ani Carlos. RNT