145 pang Pinoy sa abroad sapul ng COVID — DFA

145 pang Pinoy sa abroad sapul ng COVID — DFA

January 25, 2022 @ 4:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng 145 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagkaka-COVID.

Naitala rin dito ang 39 na nakarekober habang wala namang nasawi, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa tweet ng DFA, sinabing ang 6,482 ay galing sa Asia Pacific Region na may 1,828 ginagamot; 4,519 nakarekober; at 135 nasawi.

Habang 13,307 Pinoy naman sa Middle East at Africa is at 13,307 ang positibo sa COVID; 5,668 ginagamot; 6,710 nakarekober; at 929 nasawi.

Sa Europe, umabot sa 3,653 ang kabuuang bilang; 959 ginagamot; 2,564 nakarekober; at 130 nasawi.

Samantala, sa America naman ay may kabuuang 1,076 kaso na may 125 ginagamot; 687 nakarekober; at 264 patay.

Sinabing nasa 106 bansa na o teritoryo ang may mga Pilipinong may COVID. RNT/FGDC