14,546 pang bagong kaso ng COVID naitala; 26,500 gumaling, 112 patay

14,546 pang bagong kaso ng COVID naitala; 26,500 gumaling, 112 patay

January 31, 2022 @ 4:09 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bumaba na ang bilang ng bagong kaso ng coronavirus  disease na naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Sa pinakahuling datos, umabot na lamang sa 14,546 ang bagong kaso habang 26,500 naman ang nakarekober na sa naturang sakit.

Gayunman, mayroon pa ring naitalang pumanaw na nasa 112 at aktibong kaso na 190,818.

Sa pangkalahatan, nakapagtala na ng 3,560,202 kaso ng COVID-19; 3,315,381 ang gumaling at 54,003 naman ang total death.

Ayon sa DOH, sa naitalang 14,546 na bagong kaso ngayong Enero 31 ay nasa 10,203 lamang ang naganap sa nagdaang 14 araw mula Enero 18 hanggang Enero 31,2022.

Nanguna naman ang Region 11 sa may pinakamaraming kaso na sinundan ng National Capital Region (NCR) at Region 7 .

Mula naman sa naitalang deaths ngayong araw, nasa 107 lamang ang naganap ngayong Enero habang ang iba pa ay naitala pa noong Nobyembre, Oktubre at Mayo dahil sa late encoding ng death information sa COVIDKaya.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)