1,467 na edad 5-11 rehistrado na sa COVID vaccination – NCH

1,467 na edad 5-11 rehistrado na sa COVID vaccination – NCH

February 3, 2022 @ 5:11 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iniulat ng National Children’s Hospital (NCH) na nakatanggap na sila ng 1,467 registrant para sa pagbabakuna sa mga edad lima hanggang 11.

Nauna itong itakda sa Pebrero 4 ngunit na-schedule sa Pebrero dahil sa usaping logistics.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Children’s Hospital medical chief Dr. Moriel Creencia na kasama sa kanilang paghahanda ang pagkakaroon ng online registration.

Dito ay makatatanggap ang mga magulang ng text sa kumpirmasyon ng vaccination schedule.

 “So kung baga po, hanggang February 15, may mga naka-schedule na kami ng babakunahan [we have a scheduled number of vaccinees until February 15].”

 “Of course, isa sa pinahanda namin ‘yung magkaroon ng mga television set sa waiting area para hindi naiinip ‘yung mga bata.”

Samantala, nasa pitong milyong bata ang ikinokonsiderang nasa ilalim ng naturang age group.

“Ang gagamitin po diyan ay ‘yung orange cap o orange cap na vial na ang dose niyan ay 0.2 ml equivalent to 10 micrograms. Sa isang dose, sa isang botelya ay makakapagbigay tayo diyan ng sampung doses bawat bakuna, bawat vial,” paliwanag ni Creencia.

Paalala ng pamunuan, makararanas din ang mga bata ng side effect tulad ng lagnat, sakit ng ulo, at pananakit ng katawan. RNT/FGDC