1,483 bagong kaso ng COVID naitala

1,483 bagong kaso ng COVID naitala

December 9, 2022 @ 11:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 1,483 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health nitong Huwebes, Disyembre 8.

Dahil dito ay sumampa na sa 17,994 ang aktibong kaso ng sakit samantala umakyat naman sa 4,045,358 ang kabuuang bilang nito simula ng pandemya.

Ito ang ikalawang sunod na araw na mahigit 1,000 na ang naitatalang kaso ng COVID.

Samantala, nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 5,424 na kaso.

Sinundan ito ng Calabarzon sa 2,153; Central Luzon sa 1,080; Western Visayas sa 880; at Cagayan Valley sa 779.

Mayroon namang 26 na nasawi kung kaya’t ang total death toll ay nasa 64,820 na at umakyat din sa 3,962,544 ang mga gumaling sa sakit. RNT/JGC