149 new COVID cases naitala ng DOH

149 new COVID cases naitala ng DOH

May 24, 2022 @ 7:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 149 na bagong kaso COVID-19 para sa nationwide tally na 3,689,281.

Sa datos ng DOH, nasa 2,235 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa habang sa ikatlong sunod na araw ay walang nadagdag sa bilang ng nasawi.

Nasa 3,626,591 naman ang nakarekober sa sakit.

Ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso sa loob ng dalawang linggo na nasa 951, sinundan ng Region 4-A na may 316, at Region 3 na may 258. RNT/ JCM