149 volcanic quakes yumanig sa Bulusan

149 volcanic quakes yumanig sa Bulusan

June 10, 2022 @ 10:50 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot sa kabuuang 149 volcanic earthquakes ang namonitor sa Bulusan Volcano sa Sorsogon sa nakalipas na 24 na oras, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes.

Mas mataas ito kumpara sa limang volcanic earthquakes na naitala noong Huwebes.

Sa 5 a.m. bulletin nitong Biyernes, sinabi ng PHIVOLCS na pinananatili ang Alert Level 1 sa bulkan na nagpapahiwatig ng mababang antas ng panganib.

Noong Huwebes, ang bulkan ay nagbuga ng 824 tonelada ng sulfur dioxide.

Ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone at pagpasok nang walang pagbabantay sa Extended Danger Zone. Hindi rin pinapayagan ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Babala pa rin ng Phivolcs na maaari pa rin ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions batay sa aktibidad ng bulkan. RNT