14K international arrivals inaasahan ng BI sa Abril

14K international arrivals inaasahan ng BI sa Abril

April 2, 2022 @ 5:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Bureau of Immigration nitong Sabado na inaasahan nito ang 12,000 hanggang 14,000 international arrivals sa Abril, matapos buksan ng pamahalaan ang bansa sa mga biyahero mula sa lahat ng bansa.

Sa Laging Handa briefing,  binanggit ni BI spokesperson Dana Sandoval ang tumataas na bilang ng international passenger arrivals, na magpapatuloy pa ngayong tag-init.

“Given the summer season tingin po natin tataas po ito lalo na nitong April kasagsagan po ng summer yan summer at historically marami po talagang pumupuntang foreigners dito po sa bansa  because of our climate napakaganda ng klima po natin compared po sa kani-kanilang bansa na malamig and siguro uncomfortable so pupunta po sila dito to enjoy to the summer,” aniya.

Sinabi rin ni Sandoval na nakapagtala sila ng 13,525 arrivals noong Abril 1, sa unang araw ng muling pagbubukas ng Pilipinas sa mga biyahero galing sa lahat ng bansa, kasama ang visa countries.

“Karamihan po sa ating arrivals Filipinos pa rin, mostly po from the Middle East ang nakikita natin na trends but nakakakita tayo ng uptick arrivals from the United States, Japan, and Korea,” aniya pa. RNT/SA