14K turista dumayo sa Panagbenga

14K turista dumayo sa Panagbenga

February 26, 2023 @ 11:54 AM 4 weeks ago


BAGUIO CITY – Umabot sa 14,000 ang mga turistang dumalaw sa Baguio City upang saksihan ang pagbubukas ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival 2023.

Ito ang marka ng pagbabalik ng naturang kapistahan sa Baguio makalipas ang tatlong taon nang pandemya.

Ngayong taon, ang tema ng Panagbenga Festival ay “A Renaissance of Wonder and Beauty.”

Kung ikukumpara noong 2019, mas mababa ang bilang ng mga turistang nagpunta sa lungsod.

Nitong Sabado, Pebrero 25, nagkaroon ng iba’t ibang sa Panagbenga katulad ng drum and lyre competition at Grand Street dance competition.

Inaasahan na ngayong araw naman, Pebrero 26 ay isasagawa ang Grand Float parade.

Pormal na magtatapos ang Panagbenga Festival sa susunod na Linggo, Marso 5. RNT/JGC