14th molecular lab binuksan ng PRC sa Cotabato City

14th molecular lab binuksan ng PRC sa Cotabato City

September 18, 2021 @ 3:35 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binuksan na ang bago at ika-14 na PRC  molecular laboratory sa Cotabato City sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa PRC, ang molecular laboratory na ito ay mayroong dalawang polymerase chain reaction (PCR) machines, isang  ribonucleic acid (RNA) extractor, na maaring magproseso ng hanggang  2,000 test kada araw.

Katuwang ng PRC ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa pagpapatayo ng molecular laboratory na magseserbisyo sa mga taga Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato, at Davao City.

“I would like to thank the International Committee of the Red Cross for this partnership in defeating COVID-19. Sa ngayon ay 200 test per day lamang ang capacity ng Cotabato Regional and Medical Center at sa pamamagitan ng bagong Molecular Laboratory this will further hasten our COVID-19 response and can test up to 2,000 tests per day,” pahayag ni Senator Dick Gordon sa ginanap na virtual inaguration  ng molecular laboratory.

Binigyan diin din ni Gordon ang regular na testing upang matalo ang hindi nakikitang kalaban (COVID-19).

Kamakailan ay binabaan na ng PRC ang RT-PCR testing fees para sa  swab at saliva tests mula 3,800-2,800 at 2,000-1,500.

Puspusan din ang vaccination efforts ng PRC sa buong bansa upang makapagbakuna pa ng maraming indibidwal  sa pamamagitan ng kanilang  Bakuna centers at PRC bakuna busses, kung saan nakapagbakuna na ng mahigit  217,808 na indibidwal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •