14th month pay, sinisikap pa rin ni Pangulong Duterte

14th month pay, sinisikap pa rin ni Pangulong Duterte

August 9, 2018 @ 5:10 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nakatakdang kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang economic team hinggil sa panukalang 14th month pay para sa mga rank-and-file employees sa pribadong sektor.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, gustong malaman ng Chief Executive ang parameters sa pagbibigay ng dagdag na benepisyo ukol sa naturang panukala na nakabitin ngayon sa Senate labor committee.

Kamakailan ay umapela ang ilang grupo ng mga manggagawa sa liderato ng Senado na kaagad na ipasa ang dagdag na tulong sa mga obrero dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Nakapaloob sa nasabing panukalang batas na tatanggap ng 14th month pay ang lahat ng mga manggagawa kasama na dito ang mga bagong pasok na empleyado na nakapagbigay na ng serbisyo sa loob ng isang buwan. (Kris Jose)