15 bagyo, papasok sa bansa sa second half ng 2022 – PAGASA

15 bagyo, papasok sa bansa sa second half ng 2022 – PAGASA

June 29, 2022 @ 6:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 15 bagyo pa ang inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa second half ng 2022.

Ayon sa PAGASA, dalawa o tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa PAR kada buwan ng Hulyo, Agosto, Setyembre at Nobyembre.

Dalawa hanggang apat na bagyo naman ang nakikitang papasok sa bansa sa Oktubre habang isa o dalawa sa Disyembre.

Ang mga bagyo mula Hulyo hanggang Setyembre ay tatawid ng Luzon habang ang iba ay patungo ng Taiwan o Japan habang ang iba pa ang babalik sa Pacific Ocean.

Ang mga bagyong papasok sa bansa ay papangalanan ng PAGSA na: Domeng, Ester, Florita, Gardo, Henry, Inday, Josie, Karding, Luis, Maymay, Neneng, Obet, Paeng, Queenie, and Rosal.

Samantala, ipinaliwanag din ng state weather bureau na habang humihina ang La Niña sa tropical Pacific Ocean, nakikitang magpapatuloy ito hanggang sa katapusan ng taon.

Sa mga panahong ito, makararanas ang ilang bahagi ng bansa ng mas maraming tiyansa ng pag-ulan.

Samantala, nakaaapekto ngayon sa western parts ng Luzon at Visayas ang habagat na pinalalakas ng bagyong Caloy.

Isa pang weather disturbance ang nakikitang mabubuo sa Philippine Sea sa silangan ng Luzon ngayong linggo. RNT/ JCM