15 BIFF, 8 NPA sumuko sa militar

15 BIFF, 8 NPA sumuko sa militar

July 22, 2022 @ 11:06 AM 4 weeks ago


MAGUINDANAO-NAGBALIK-LOOB sa pamahalaan ang 23 na terorista na kinabibilangan ng 15 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang walo naman miyembro sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ito.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roberto Capulong, ang 15 BIFF member sa ilalim ng pamumuno ni Kumander ng BIFF-Bungos faction ay sumuko sa 1st Brigade Combat Team sa Brgy Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao .

Kwento ng isa sa mga terorista na si alyas Waway, hindi na nila nakayanan ang kahirapan ng dinaranas ng kanilang pamilya kaya mas minabuti pa nilang sumuko na lamang sa gobyerno alang-alang sa kanilang mga anak.

Samantala, 8 kasapi rin ng NPA ang sumuko sa 7th Infantry Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Frederick Chicote sa Barangay Masiag Bagumbayan Sultan Kudarat.

Sinabi ni Capulong na ang 8 rebelde ay mga tauhan ng South Regional Command, Daguma Front, Far South Mindanao Region (FSMR).

Bitbit ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga armas dalawa sa mga ito ay M16 Armalite rifles, 1-caliber.30, M1 carbine rifle, 2 KG 9, 1 Ingram, M79 grenade launcher (3) 40mm high explosives, command-detonated explosives (CDX) , 12-Gauge Shotgun, mga bala at mga magasin.

Sa ilalim ng programa ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) o E-CLIP, ang mga dating rebelde ay makakakuha ng mga benepisyo ang kanilang mga kwalipikadong benepisyaryo, magmula sa garantisadong kaligtasan at seguridad; makakatanggap rin ang mga ito ng tulong pinansyal gaya ng P50,000 para sa pangkabuhayan, P21,000 para pagkain habang ang dating rebelde ng nasa kustodiya ay makatanggap ng yunit, P15,000 bawat isa sa mga ito para sa mga gastos sa mobilization expenses; at maging ang mga armas na kanilang isinuko ay may kapalit itong kabayaran.

Nanawagan naman ang militar sa iba pang mga terorista na sumuko na sa pamahalaan para sa katahimikan at kapayapaan ng bansa./Mary Anne Sapico