15 BIFF todas sa Maguindanao clash

15 BIFF todas sa Maguindanao clash

August 2, 2020 @ 10:33 AM 2 days ago

Share

Manila, Pilippines – Umabot sa 15 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at dalawang sundalo ang namatay sa nangyaring engkuwentro noong Hulyo 29 sa Datu Salibo, Maguindanao ayon sa Philippine Army.

Ayon sa ulat, nasa kabuuang 13 sundalo ang dinala sa Camp Siongco Station Hospital para mapagamot ang natamong mga sugat mula sa engkwentro.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Joint Task Force Central commander Major General Diosdado Carreon sa mga namatay na sundalo.

 “I extend my deepest sympathy to our fallen soldiers, who offered the ultimate sacrifice while performing their duties to protect the communities against the terrorists’ treacherous activities,” ani Carreon.

Nabatid na nagpapatrolya ang mg sundalo mula sa 57th Infantry Battalion nang makasagupa ng mga ito ang grup[o ng mg BIFF at Dawlah Islamiya terror group sa Barangay Penditen.

Sa kabilang bansa, walo naman ang sugatan sa hanay ng BIFF at Dawlah Islamiya kung saan isa sa mga sugatan ay ang lider ng nasabing terror group na si Hassan Indal batay sa mga nakasaksi. RNT/ LF

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...