15 buwaya sa San Mariano, Isabela nakawala sa kulungan!

15 buwaya sa San Mariano, Isabela nakawala sa kulungan!

September 14, 2020 @ 1:36 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Isabela, Philippines – Nakawala ang 15 maliliit na buwaya na pinaniniwalaang naanod umano ng malakas na ulan sa bayan ng San Mariano.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng malawakang paghahanap ang ‘’Mabuwaya Foundation’’ katuwang ang ilang mga residente.

Ayon kay Marites Balbas, Chief Operation Officer Mabuwaya Foundation, mula sa 20 baby crocodiles na nakawala sa kanilang kulungan ay lima na ang kanilang nakita at ibinalik sa kanilang pangangalaga.

Ang nasabing mga baby crocodiles ay isang uri ng ‘’Bukarot’’ o Philippine Freshwater Crocodile na sa Pilipinas lamang matatagpuan

Kaugnay nito, sinabi ni Balbas na ang mga nahanap na mga baby croc ay kanilang dadalhin sa kanilang breeding station samantala kung ang mga ito ay may sukat nang 50 hanggang 75 centimeters na ang kanilang laki ay muli silang pakakawalan sa kanilang habitat.

Ang pinakamahabang aki ng Bukarot ay aabot sa 3 meters at ang pinakahuli na nakita nilang halos umabot sa nasabing laki o 2.81 ay pinatay noong Hulyo 2012.

Dahil dito mas pinatindi ng foundation ang pangangalaga sa mga Burakot, at information dissemination ukol sa mga nasabing hayop upang maiwasan ang ilang hindi magandang insidente.

Ayon pa sa pamunuan ng Mabuwaya Foundation na plano din nilang gawing tourist attraction ang mga nasabing crocodile sanctuary kaakibat ng pagtatayo ng Philippine Crocodile Conservation Center. Jun Fuentes


  •  
  •  
  •  

Loading...