15 lugar sa NCR nakapagtala ng Omicron cases- DOH exec

15 lugar sa NCR nakapagtala ng Omicron cases- DOH exec

January 18, 2022 @ 1:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng opisyal ng Department of Health (DOH) na 15 lugar sa Metro Manila ang nakapagtala na ng Omicron coronavirus disease (COVID-19) variant.

Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman kung saan ang mga lugar na ito.

“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region,” pahayag ni de Guzman sa congressional briefing.

“It’s also detected in 13 of 17 regions and in the National Capital Region, 15 of its 17 areas already have local Omicron cases,” aniya pa.

Giit ni De Guzman, ang pagtaas sa kaso ng COVID-19 ay dulot ng mas nakahahawang Omicron variant.

Subalit, nakadagdag din umano ang pagtaas ng mobility at hindi pagsunod sa minimum public health standards, maging pagkaantala sa pagkakatuklas ng COVID-19 cases, maging isolation, sa pagtaas ng kaso ng virus. RNT/SA