15 menor ibinugaw; 17-anyos na mastermind, huli!

15 menor ibinugaw; 17-anyos na mastermind, huli!

September 9, 2022 @ 9:41 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 17-anyos na utak ng cybersex operation kung saan nailigtas ang 15 menor de edad na binugaw niya sa mga dayuhan.

Ikinasa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang entrapment at rescue operation sa isang pribadong resort sa Sampaloc, Maynila, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa nasabing operasyon nasagip ng kapulisan ang 15 menor de edad, na nasa pagitan ng edad 13 at 17, na binugaw umano sa mga dayuhan sa halagang 10,000 pesos.

Kabilang sa naaresto ang 17 anyos na tinuturong mastermind sa pambubugaw at ang 18-anyos nitong kasamahan.

Nagtungo naman sa tanggapan ng NCRPO si DILG Secretary Benhur Abalos para makipagpulong sa dalawang suspek at 15 menor de edad, na nasagip.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng DSWD ang suspek. Mahaharap din siya sa mga kasong paglabag sa child trafficking at paglabag sa Cybercrime Prevention Law habang nagpapatuloy ang follow-up investigation. RNT