15 nasagip sa tumaob na bangka sa Negros

15 nasagip sa tumaob na bangka sa Negros

October 31, 2022 @ 10:42 AM 1 month ago


BACOLOD CITY- Nasagip ang 15 indibidwal, kabilang ang boat captain at crew, matapos tumaob ang kanilang private motorized pump boat sa katubigan ng Barangay Molocaboc, Sagay City, Negros Occidental nitong Sabado.

Sinabi ni Lt. Col. Roberto Indiape Jr., Sagay police chief, na nagdesisyon pa rin ang may-ari at boat captain na ihatid ang 13 pasahero sa kabila ng pagbabawal ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa tropical cyclone ‘’Paeng.’’

Inihayag ni Indiape na dahil sa malalaking alon dulot ng malakas na hangin, tumaob ang sasakyan. Nailigtas naman lahat ang sakay at nakauwi na sa kani-kanilang tahanan. RNT/SA