15 nasagip sa tumirik na ferris wheel

15 nasagip sa tumirik na ferris wheel

June 5, 2022 @ 10:45 AM 4 weeks ago


DAET, Camarines Norte- MAGKAHALONG takot at kaba ang nararamdaman ng 15-katao kabilang ang mga menor de edad sakay ng Ferris wheel sa isang peryahan matapos itong tumirik at tumagilid Sabado sa bayang ito.

Ligtas naman naibaba ang mga 15-katao kabilang ang may sakit sa puso na si Mary Ymanuella Borjal, at residente sa nasabing lugar.

Batay sa report ng Daet Municipal police station, dakong 8:00 PM naganap ang insidente sa loob ng peryahan na pag-aari ng isang Jason Lopez.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad nagkaroon ng mechanical error ang ferris wheel kaya tumagilid ito at huminto.

Mabilis naman ng rescue operation ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) Daet-PNP, Daet Electric Cooperative at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at nakababa ng ligtas ang mga sakay ng ferris wheel.

Bumuo na rin ang lokal na pamahalaan ng inspeksyon team at safety inspection sa loob ng peryahan.

Kasunod nito ay ipinag-utos na rin ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng perya habang sumasailalim sa imbestigasyon at kapag nakitaan ng kapabayaan ang pamunuan ng peryahan posible itong managot./Mary Anne Sapico