Biniling P2.4B laptop para sa DepEd pinaiimbestigahan ng Makabayan Bloc

August 8, 2022 @6:30 PM
Views:
4
MANILA, Philippines- Isang resolusyon na humihiling na magkaroon ng imbestigasyon sa iregular na pagbili ng Department of Education (DepEd) ng P2.4 bilyong laptops para sa mga guro noong 2021 na nagkakahalaga ng P58,000 bawat isa ang inihain kahapon ng Makabayan Bloc sa House of Representatives.
Sa House Resolution 189 ay inatasan ng Makabayan ang House Good Government and Public Accountability na syang mangasiwa sa gagawing imbestigasyon.
Ayon sa Makabayan Bloc dapat alamin ng mga mambabatas sa DepEd kung bakit ito pumayag na ang Department of Budget and Management-Procurement Office(DBM-PS) ang syang mamili ng kanilang bibilihin laptop gayong mayroong opsyon ang Deped na bumuo ng kanilang bidding commitee.
Malinaw umano na P35,000 halaga lamang ng laptop ang bibilhin para magkaroon ang lahat ng mga guro subalit pumayag pa rin ang DepEd na bilhin ang P58,000 halaga ng laptop na nagresulta para mawalan ng unit ang ilang guro gayundin ay lumitaw na outdated na o luma ang processor ng laptop.
Sinabi ng Makabayan Bloc na hindi ito ang unang pagkakataon na bumili ng laptop ang DepEd dahil noong June 2020 ay nakabili ito ng unit sa halagang P32,500 na mas mabilis na modelo ng laptop.
Iginiit ng Makabayan Bloc na hindi dapat magbulang bulagan ang Kamara sa nasabing isyu.
“It is the primordial duty of the members of the House of Representatives to uphold the interests and welfare of the Filipino people against inefficiency and corrupt practices. The government should ensure that the access of teachers and students to quality programs and services, especially amid the pandemic, economic crisis, and ailing educational situation,” giit pa ng Makabayan Bloc. Gail Mendoza
E-services sa gobyerno, palalakasin ni Poe

August 8, 2022 @6:16 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Inihain muli ni Senador Grace Poe ang isang panukalang batas na magpapagaan sa pamamaraan ng pag-aasikaso sa gobyerno ng ordinaryong mamamayan gamit ang e-services upang maiwasan ang mahabang pila o matagal na oras na paghihintay.
Kahit sa bahay o trabaho, maaaring mag-aplay ang sinuman sa pagkuha ng benepisyo at makipagtransaksyon sa gobyerno gamit ang kanilang mobile phone o kompyuter, ayon sa Senate Bill No. 334 o ang panukalang E-Government Act ng 2022.
“Karapat-dapat na maranasan ng ating mga kababayan ang maginhawang pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan,” sambit ni Poe.
“Sa gitna ng bagong normal, higit na mahalaga ang mabilis at maaasahang paglilingkod ng mga sangay ng gobyerno sa ating mga mamamayan nasaan mang dako ng bansa,” dagdag ni Poe.
Iginiit ng senador na kinakailangan ang pagpapatupad ng e-government strategy na may seamless interoperability para sa kabutihan ng lahat.
Aatasan ng panukalang batas ni Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag at magsulong ng isang e-government master plan para sa paglulunsad ng mga online na serbisyo ng mga ahensya.
Bahagi ng master plan ang archive at records management system, online payment system, citizen frontline delivery services, at public finance management at procurement system.
“Ang paghihintay sa pila ng matagal para sa mga ayuda, benepisyo at iba pa ay hindi na dapat danasin ng ating mga kababayan, lalo na ng may kapansanan. Walang puwang ang anumang pahirap sa kamay ng pamahalaan,” dagdag ni Poe. Ernie Reyes
Eksperto sa ‘Centaurus’ sub-variant: Gawa-gawa lang ‘yan ng media

August 8, 2022 @6:02 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Sinabi ni infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana na hindi dapat mangamba ang puliko sa “Centaurus” subvariant dahil pinalalala lamang ito ng meida.
Iginiit ni Salvana nitong Lunes na ang “scientific and sensationalized news” ukol sa Centaurus — o ang BA.2.75 variant — ay nagdudulot ng pangamba sa mga tao.
“Itong Centaurus, gawa-gawa lang ‘yan ng media so walang kinalaman ‘yan. So it really shows na meron talagang mix ng sensationalism at scientific naman ‘yong iba, sa mga nakikita natin ‘pag sinasabi nila ‘yong 2.75 or Centaurus. We have to be very careful,” pahayag ni Salvana.
“Of course ‘yong knowledge na patuloy ang pag-mutate ng COVID, but at the same time, hindi po talaga tayo dapat magpanic sa bawat bagong iteration nitong Omicron, important (is) to continue monitor closely, but don’t panic (kasi) sa ngayon wala namang ebidensya na it’s taking over,” dagdag niya.
Iginiit din ng infectious diseases expert also na iba ang media name ng Centaurus’mula sa designation ng variants of concern ng WHO. Ang Centaurus, ayon kay Salvana, ay pangalan ng galaxy, habang ang mga variant ay inihango sa mga letra sa Greek alphabet.
Nilinaw niya na ang BA.2.75 ay hindi isang variant of concern at hindi mula sa Omicron lineage, kahit na posible itong makapasok sa bansa.
“Itong variants papasok at papasok talaga ‘yan because it’s really the nature of the virus, na it spreads, it mutates. Itong 2.75 mukhang merong increased transmission although the studies are ongoing […] hindi pa siya considered na panibagong variant of concern,” sabi ni Salvana.
“In fact ‘yong pangalan nga medyo weird eh, ‘yong tinatawag na ‘Centaurus’, it’s named after a galaxy na sinasabi lang sa isang (forum). No scientific anything behind Centaurus hindi katulad no’ng sa Omicron, sa Delta, these are based on the Greek alphabet,” patuloy niya.
Inihayag din ni Salvana na ang pinakamainam na paraan upang tugunan ang variant ay patuloy na magsuot ng face masks at extensive vaccine coverage, dahil bumababa umano ang panganib ng malalang COVID-19 sa dalawang health measures na ito.
“Nandyan ‘yan at we will monitor, but as far as the we’re concerned, ‘yong ginagamit nating mga bakuna ay mabisa naman sa pag-prevent ng severe COVID, at kailangan pa rin natin mag-mask para mas mababa ‘yong risk na ma-transmit natin sa isa’t isa,” aniya.
“Wala namang ebidensyang it’s different from other Omicron variants at this time. Pero alam ko rin ‘yong mga bakuna, people who were vaccinated and boosted, mas mababa talaga ‘yong risk ng severe disease — just like all the other Omicron subvariants,” dagdag pa ni Salvana. RNT/SA
State of calamity idineklara sa 2 bayan sa Occ. Mindoro sa dami ng dengue cases

August 8, 2022 @5:48 PM
Views:
20
MANILA, Philippines- Idineklara ang state of calamity sa mga bayan ng San Jose at Sablayan sa Occidental Mindoro dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nasasapul ng dengue.
Base kay Dr. Ma. Teresa Tan, Provincial Health Officer ng Occidental Mindoro, nasa 1,810 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng dengue at siyam na ang namatay.
Dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, inirekomenda na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Sangguniang Panlalawigan na ideklara ang state of calamity sa buong lalawigan upang magamit ang calamity fund pambili ng mga dengue test kits at iba pang gamit sa pagsugpo sa dengue.
“Puwede nang mag-procure ang mga munisipyo once na-declare ng province [ang state of calamity], kaniya-kaniya na silang purchase [ng] dengue test kits, misting machines, reagents na ginagamit sa misting machines, yung reagents para magawa ng complete blood count, platelets count kasi according to one of our med-techs yung alloction nya for one quarter naubos na in 1 ½ months sa dami ng nagpa-patest,” sabi ni Tan.
Base sa Department of Health, dumoble ang bilang ng mga nagkakaroon ng dengue sa buong bansa.
Batay naman sa datos ng Department of Health, sumampa na sa 82,597 ang kaso ng dengue sa bansa nitong taon (mula Enero 1 hanggang Hulyo 26) na mas mataas nang higit 100 porsyento kumpara sa parehong panahon noong 2021. RNT/SA
DepEd sa muling pag-arangkada ng klase sa Aug. 22: Wala nang atrasan

August 8, 2022 @5:35 PM
Views:
19