15 panukala sa health, welfare ng kabataan diringgin sa Kamara

15 panukala sa health, welfare ng kabataan diringgin sa Kamara

November 21, 2022 @ 7:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Alinsunod sa selebrasyon ng National Children’s Month, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na nasa 15 panukala na sesentro sa pagbibigay proteksyon at pangangalaga sa mga bata ang nakatakdang dinggin ng Kamara ngayong 19th Congress.

Ayon kay Romualdez, maliban sa mga panukala na patungkol sa bakuna at feeding programs ay marami pang panukala ang tatalakayin ng Kamara na tutugon naman sa mga isyung kinahaharap ng mga bata sa kasalukuyan.

“Measures worth noting are those that protect children from violence physically or electronically inflicted upon a child, providing penalties for those who would dare do such acts, and mandate mental health support services for the affected children,” pahayag ni Romualdez.

Paliwanag niya na sa impluwensya ng social media at sa epekto ng pandemya ay naging iba na ang kinahaharap na pagsubok ng mga bata at ito ang siyang dapat na tugunan ng pamahalaan.

“These societal changes come with their own challenges. While many adults can say that they have the wherewithal to overcome these challenges, the same cannot be said of our children. There was a time when all a child who slipped had to endure was the momentary laughter of those around him; today, one unintended faux pas, through the power of social media, can be transformed into a meme, and become viral, such that the derision for that one simple mistake can become global, lasting into one child’s adulthood and beyond.It is a burden no child is prepared to handle. Nor should they have to,” pahayag ni Romualdez.

Katuwang ang House Committee on the Welfare of Children, sinabi ni Romualdez na magbabalangkas ang Kamara ng mga batas para sa needs, education at overall welfare ng mga batang Pinoy.

“Our job is not to shield our children from these challenges, no. Our job is to educate and empower them so that they too as adults may have the wherewithal to withstand these challenges, along the way teaching and empowering their children also so that they too can handle the challenges they will face in due time,” paliwanag ni Romualdez.

“Suffice it to say that your House of Representatives stands united with those who seek to ensure that our children’s physical, emotional and mental health are sufficiently protected and secured,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza