15 pasahero, 3 crew nasagip ng PCG

15 pasahero, 3 crew nasagip ng PCG

July 28, 2021 @ 1:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 15 pasahero at tatlong crew members sa Surigao del Norte sa karagatan ng Socorro, Surigao del Norte matapos mabali ang propeller shaft ng motorbanca na MBCA RETREAT 1.

Sa inisyal na ulat mula sa Coast Guard Surigao del Norte sa PCG headquarters, nawalan ng rudder ang motorbanca  sa baybaying sakop ng Bucas Grande. Island ang motorbanca kaya nagpasaklolo sa PCG upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Agad namang search and rescue (SAR) kung saan namataan sa bisinidad ang motorbanca sakay ang nasabing mga pasahero.

Matapos mailigtas ang mga sakay nito, hinila naman ng PCG ang motorbanca  sa Feeder Port, Socorro.

Ayon  sa crew, umalis ang motorbanca sa Tiktikan Resort, Barangay Sudlon, Socorro, Surigao del Norte patungong  General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

Habang naglalayag sa katubigan ng isang milya sa Barangay Navarro, Socorro, Surigao del Norte, ang propeller shaft ng motorbanca ay aksidenteng nabali at nalaglag sa karagatan.

Maagap namang pinahinto ng master ang engine ng motorbanca upang maiwasan ang posible pang maaring  mangyaring aksidente sa karagatan.

Habang naghihintay ng rescue, unti-unting inaanod ang motorbanca dahil sa malakas na hangin at alon.

Gayunpaman, matagumpay naman silang nasagip ng mga tauhan ng PCG.

Paalala ng coast guard sa mga crew at pasahero na laging  bigilante at alerto habang naglalayag sa karagatan lalo na kapag masama ang panahon upang maiwasan na may magbuwis ng buhay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •