15 pasahero, 4 crew nasagip ng PCG sa nasirang motorbanca

15 pasahero, 4 crew nasagip ng PCG sa nasirang motorbanca

December 21, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 pasahero at apat na crew ng isang motorbanca na nasira sa baybayin sakop ng southeast Mangingisda, Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng ulat na ang motorbanca ay nakaranas ng engine trouble enroute ng Puerto Princess City mula Cagayancillo.

Agad namang dineploy ang BRP Kalanggaman (FPB-2404) upang i-rescue ang mga pasahero at crew gayundin para magsagawa towing operations.

Binigyan ng medical at transportation assistance ang mga nasagip nang makarating sa Rasa Island sa Narra Palawan.

Nagbigay din ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Narra at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)-Narra ng food packs , tubig at ambulansya. Jocelyn Tabangcura-Domenden