150 bagong COVID cases naitala; aktibong kaso sa 9,269

150 bagong COVID cases naitala; aktibong kaso sa 9,269

February 24, 2023 @ 6:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Namonitor ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na may 150 bagong impeksyon, kaya umabot na sa 9,269 ang aktibong bilang.

Nangyari ito matapos ang dalawang araw na wala pang 100 na impeksyon sa COVID-19 ang naiulat.

Ang nationwide tally ay nasa 4,075,812, kabilang ang 4,000,480 recoveries at 66,063 na namatay.

Sinabi ng DOH na ang Metro Manila ay nanatiling rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon, na may 439 sa nakalipas na dalawang linggo. Sinundan ito ng Davao Region na may 209 na kaso, Calabarzon na may 174, Western Visayas na may 101, at Central Visayas na may 71. RNT