150 pang pulis sapul ng COVID; 1 pa patay

150 pang pulis sapul ng COVID; 1 pa patay

August 23, 2021 @ 3:30 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang 150 pang bagong kaso ng COVID-19 at isa naman ang naitalang nasawi, batay sa ulat.

Kasalukuyang binabantayan ang 1,846 aktibong kaso habang 116 pa ang nakarekober na may kabuuang bilang na 31,492.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 33,438 police non-commissioned at commissioned officers ang nasapul ng COVID-19. RNT/FGDC