150 Pinoy sa Sri Lanka, gustong magpalikas – Ople

150 Pinoy sa Sri Lanka, gustong magpalikas – Ople

July 14, 2022 @ 5:25 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 150 overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Sri Lanka ang humiling na ma-repatriate sa gitna ng malawakang kilos-protesta bunsod ng nararanasang krisis sa ekonomiya roon.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople, aabot sa 700 Pilipino ang kasalukuyang nakatira at nagtatrabaho ngayon sa Sri Lanka.

“So we are relying on the DFA for the assistance to be given to the affected workers and they assured me that repatriation arrangements are underway,” pahayag ni Ople.

Matatandaang Miyerkules nang magdekla ang Sri Lanka ng state of emergency matapos na sumugod sa opisina ng prime minister ang libu-libo nitong mamamayan makaraang lumipad patungong Maldives ang pangulo nito. RNT/ JCM