150 Pinoy sa Sri Lanka humiling na mapauwi sa Pinas-Ople

150 Pinoy sa Sri Lanka humiling na mapauwi sa Pinas-Ople

July 15, 2022 @ 7:55 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aabot sa 150 Pilipino na nasa Sri Lanka ang humiling ng repatriation o makauwi ng Pilipinas sa harap ng kaguluhan na nangyayari sa ekonomiya doon, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

“We have 700 Filipinos residing or staying in Sri Lanka. Out of this number, around 150 have requested for repatriation,” ani Ople sa isang news conference.

“So we are relying on the DFA for the assistance to be given to the affected workers and they assured me that repatriation arrangements are underway,” dagdag pa ng kalihim ng DMW.

Nitong Miyerkules, nagdeklara ang state of emergency sa Sri Lanka habang patuloy ang protesta ng maraming tao at sumugod na sa tanggapan ng prime minister na nauna nang tumakas sa bansa patungong Maldives.

Samantala, sinabi ni Ople, na maglulunsad ang gobyerno ng Pilipinas ng One Repatriation Command Center sa susunod na linggo.

“Isa na lang ang dudulugan ng mga pamilya ng OFWs… ‘yung shipment of remains, para sa repatriation of stranded, and/ or exploited OFWs. So lahat ‘yan, ipro-process namin ‘yung mga request, we will provide assistance,” aniya.

“And kami na mismo ‘yung tatawag sa mga pamilya… kami na ang magbibigay ng updates kung kamusta ang repatriation assistance para sa mga kamaganak nila. ‘Yun ang purpose ng One-Repat command center,” ayon pa kay Ople. RNT