150 sa 2,400 NKTI personnel naturukan na ng Sinovac

150 sa 2,400 NKTI personnel naturukan na ng Sinovac

March 3, 2021 @ 6:35 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Nabakunahan na ang 150 personnel ng  National Kidney Transplant Institute (NKTI) ng Sinovac’s coronavirus vaccine, batay sa ulat.

Mula sa 2,400 health workers ng NKTI, 150 lamang ang nakatanggap ng CoronaVac, batay kay NKTI Executive Director Dr. Rose Marie Liquete.

“Partial lang ho ito kasi sabi namin meron talaga kaming 2,400 na health workers. Marami naman nagparegister in general na magpapapabakuna, kaya lang syempre nakikiramdaman ‘yung iba at hindi natin alam una kung anong klaseng darating na bakuna,” aniya sa panayam sa ABS-CBN’s teleradyo.

 “Ang isang tao, more or less 30 minutes [for vaccination] but meron tayong prescribed na 15 mins to 30 minutes observation pero pwede naming ma-compress yan.”

Tumanggap naman ang NKTI ng 300 doses ng CoronaVac. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •