1,500 ‘di nakuhang pasaporte mawawalan ng bisa sa Marso

1,500 ‘di nakuhang pasaporte mawawalan ng bisa sa Marso

February 25, 2022 @ 7:54 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign affairs na higit sa 1,500 passports mawawalan ng bisa kapag hindi ito makukuha hanggang Marso 1.

“Ang regulasyon ng Department ay kapag lumampas ng isang taon at hindi nake-claim ang passport mula sa oras na dapat makuha mo ito, ito ay pawawalang-bisa na ng DFA,” base sa anunsyo ni DFA Office of Consular Affairs Head Assistant Secretary Senen Mangalile sa CNN Philippines.

Sinabi pa ni Mangalile na ang mga hindi nakuhang pasaporte ay pagmamay-ari ng mga indibidwal na hindi kumuha ng courier service par direkta itong maideliber sa kanilang mga kabahayan.

“May archiving regulation po sa gobyerno na ang mga dokumento po ay kailangang i-dispose pagkaraan ng mga taon,” paglilinaw naman ni Mangalile.

“Those yet to claim their passports, which were scheduled for release in January 2021 or earlier, may do so until 01 March 2022 (Tuesday), at the DFA Consular Office where they were processed,” ayon naman sa nauna nang abiso ng kagawaran.

Ang mga mabibigong makuha ang kanilang passports sa itinakdang deadline ay kinakailangan kumuha ng panibagong aplikasyon.

Kinakailangan din nilang magpresenta ng certificate of unclaimed passport mula sa DFA Aseana o sa DFA Consular Office kung saan iprinoseso ang hindi nakuha na pasaporte. RNT