1,500 pulis ipakakalat sa Panagbenga festival

1,500 pulis ipakakalat sa Panagbenga festival

January 15, 2023 @ 1:26 PM 3 weeks ago


BAGUIO CITY- Aabot sa 1,588 na pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbantay sa pagdiriwang ng Panagbenga sa darating na Pebrero 1, 2023.

Ayon kay Brig. Gen. Mafelino Bazar, director ng Cordillera-PNP, inaasahan dadagsain ng mga turista ang 2023 Panagbenga Festival sa unang pagbubukas matapos ang halos 3-taon na pagsara dahil sa pandemyang COVID-19.

Aniya, ipapakalat ang mga pulis sa ma-taong lugar gaya ng bus terminal, pamilihan, malls, at parks para maiwasan na magkaroon ng krimen na siyang samantalahin ng mga masasamang-loob.

Sa darating na unang araw ng buwan ng Pebrero, magkakaroon ng opening parade ng Panagbenga Festival 2023, pagsapit ng Pebrero 25 hanggang Pebrero 26 naman ay magkaroon ng street dance at grand float parade habang sa Pebrero 27 hanggang Marso 5 ang “Session Road in Bloom”.

Nagpaalala rin si Bazar sa publiko na lalahok s pagdiriwang ng Panagbenga Festival na maging alerto at kapag may napansin na kahina-hinalang kilos ng tao o bagay ay agad ipagbigay-alam sa mga pulis. Mary Anne Sapico