15,000 taxi driver napikon sa madayang kompetisyon laban sa Uber at Cabify

15,000 taxi driver napikon sa madayang kompetisyon laban sa Uber at Cabify

July 29, 2018 @ 9:27 AM 5 years ago


 

 

Madrid, Spain – Nagsagawa ng malawakang strike ang mga taxi driver kahapon (July 28) sa Madrid bilang protesta laban sa “unfair competition” sa Uber at Cabify.

Sa tala ng pederasyon ng Madrid taxis, nasa 15,000 na driver ang nakiisa sa strike na kumalat sa kapitolyo at sa kalapit na lungsod.

“All taxis have spontaneously and progressively stopped work, paralyzing services in the capital, at the airport, around bus and railway stations,” ayon kay federation secretary Santiago Simon Vicente.

“The main problem is the proliferation of VTC (tourism vehicle with chauffeur) licenses,” dagdag pa niya.

“There are more and more of them, thousands, and it’s unfair competition.”

Binigyang diin ng pederasyon na dapat magsagawa ng ang mga awtoridad ng lehislatibong nagsasabing mayroon dapat 30 tradisyunal na taxi sa bawat VTC (tourism vehicle with chauffeur).

Kasalukuyan, mayroon lamang 5 kada VTC, ayon kay Santiago Simon Vicente

Hindi na madaanan ang central Barcelona simula noong Biyernes matapos itong harangan ng mga taxi driver dahil sa kamakailang pag-apruba ng mga awtoridad ng Barcelona na limitahan ang bilang ng linsensya para sa Uber-style services.

“Today everything is blocked in Barcelona, the airport, the stations, etc,” sabi ng pinuno ng Taxis Company, Luis Lopez.

Nagsimula ang strike noong Miyerkules kung saan ito ay naging marahas matapos pagbabatuhin ng mga taxi driver ang mga sasakyan na may Uber-style licensed private chauffeurs.

Dahil sa pag-atake, napilitang suspindihaen ng Uber at Cabify ang kanilang serbisyo sa Barcelona hanggat matapos ang strike.

Tinawag naman ng Transport company Unauto, reperesentante ng Uber at Cabify, ang Spanish government para kontrolin ang nangyayaring strike at sinabing ang mga “violent” taxi driver ay sinusubukang ipagtanggol ang monopolyo sa bansa. Remate News Team