150,000 beep cards ilalabas sa publiko

150,000 beep cards ilalabas sa publiko

December 2, 2022 @ 12:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes na maglalabas ang pribadong card provider nito ng 150,000 na beep cards hanggang sa unang kwarter ng 2023.

“The announcement of shortage has just been made second quarter of this year and we have been controlling the cards that we have in our possession. So as of date, there would be 150,000 beep cards that would be available across all stations covered by LRT-1, LRT-2, and MRT-3,” ani Randolph Ian Clet, project manager of automated fare collection system of DOTr sa CNN Philippines.

Dahil sa kakulangan ng suplay, nauna nang sinabi ng kompanyang AFPI na makabibili naman ng mga beep card mula sa mga online na tindahan ngunit sa mas mataas na presyo.

Sa ngayon walong milyong beep card ang nasa sirkulasyon na, 60% nito ay ginagamit sa mga istasyon ng tren. RNT