1,500kg na puslit na karne nasabat sa Ilocos

1,500kg na puslit na karne nasabat sa Ilocos

March 25, 2022 @ 12:45 PM 3 months ago


ILOCOS SUR- Nasa kustodya ngayon ng mga personnel ng Animal Quarantine Checkpoint sa Brgy. Bio, Tagudin ng lalawigang ito ang driver at ang Isuzu Forward Truck na may kargang 1,499.45 kilos ng assorted meats na walang kaukulang dokumento.

Hinarang sa naturang checkpoint ang naturang sasakyan kaninang madaling-araw  at nang mabistong may karga itong mga pork and chicken meat, hinanapan ito ng mga dokumento pero walang maipakita ang driver na nakilalang si Roberto Maguddato y Detabbali, 60, may asawa, residente ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Ikinustodya ang driver at ang naturang sasakyan dahil sa paglabag nito sa  Provincial Ordinance #15-06, series of 2015.

Walang umanong maipakitang shipping permit ang  driver para sa  mga karga nitong assorted meats na tinatayang nagkakahalaga ng P153,212.95 at  wala  rin itong maipakitang certificate of meat inspection. Rolando S. Gamoso