153% mas mataas: 450 kaso ng tigdas, rubella naitala

153% mas mataas: 450 kaso ng tigdas, rubella naitala

October 5, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas ang kaso ng tigdas at rubella ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Batay sa datos ng National Measles and Rubella noong Setyembre 17, mayroong 450 kaso ng measles (tigdas) at rubella mula Enero 1 hanggang Setyembre 17.

Ang kabuuang kaso ngayong taon ay 153% na mas mataas kumpara sa 178 kaso sa kaparehong panahon noong 2021, dagdag pa ng ahensya.

Karamihan sa mga kaso ay mula Region IV-A na may 70 (16%); Region VII, 61 (14%) at NCR, 47 (10%)

Sa nakalipas na panahon mula Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022, nasa 68 kaso ang naitala. Mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nasabing panahon ay ang Region IV-A, 16 (24%); Region VIII, 12 (18%); Region VII, 7 (10%); Region X, 7 (10%) at NCR, 7 (10%).

Ang mga rehiyong IVA, VIII, IX, X at XII ay nagpakita ng pagtaas ng kaso sa kamakailang apat na linggo ng morbidity (Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022).

Sa nakalipas na apat na linggo ng morbidity (Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022), 5 sa 17 rehiyon (Rehiyon II, IVA, V, VII, at NCR) ang lumampas sa epidemic threshold ng tigdas.

Naiulat naman ang measles clusters sa Region I (Brgy. Caranglaan, Dagupan City, Pangasinan) at Region IX (Brgy. Balangasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur).

Sa buong bansa, 36 na kaso ang na-classified bilang laboratory confirmed measles, habang 37 cases naman ang inclassified bilang laboratory confirmed rubella.

Gayundin dalawang pagkamatay ang naiulat (CFR: 0.4%) sa mga kaso ng MR mula sa MWs 1-37 sa buong bansa. Ang mga pagkamatay na ito ay naiulat noong Agosto at Setyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden