154 patay sa Paeng – NDRRMC

154 patay sa Paeng – NDRRMC

November 4, 2022 @ 12:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 154 ang iniulat na nasawi dulot ng Severe Tropical Storm Paeng ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Nobyembre 4.

Sa 6 a.m. report, sinabi ng NDRRMC na 101 sa nabanggit na bilang ang kumpirmado samantala 53 ang patuloy na bineberipika.

Malaking bahagi pa rin nito ang nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 63 nasawi, sinundan ng Calabarzon at Western Visayas na may tig-33 nasawi.

Maliban dito, mayroon namang 128 nasaktan at 35 ang napaulat na nawawala ayon sa NDRRMC.

Kabuuang 4,124,267 katao o 1,176,074 pamilya mula sa 9,107 barangay sa buong bansa ang apektado ng bagyong Paeng.

Umakyat naman sa 25,109 mga tirahan, 22,487 ang partially damaged at 2,622 ang totally damaged.

Samantala, mayroon nang 437 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang isinailalim na sa state of calamity sa matinding epekto na dulot ng bagyo. RNT/JGC