154 Rohingya refugees nasagip, balik-Myanmar

154 Rohingya refugees nasagip, balik-Myanmar

December 11, 2022 @ 2:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng isang Vietnamese oil service vessel ang grupo ng mga Rohingya refugees na palutang-lutang sakay ng isang bangka sa Andaman Sea, malapit sa baybayin ng Thailand.

Sa impormasyon, nauna na itong pinuntahan ng Thai Navy na nakasasakop sa lokasyon kung saan nagpalutang-lutang ang bangka ngunit hindi naman nito sinagip ang mga sakay.

Ayon sa Rohingya rights group, nakatanggap sila ng balita mula sa pamilya ng mga biktima na nasagip na ang mga ito ng isang Vietnamese vessel.

Kabuuang 154 katao ang nasagip mula sa bangka ayon sa Myanmar junta spokesperson nitong Huwebes, Disyembre 8.

Ang mga nasagip ng naturang Vietnamese vessel na Hai Duong 29 ay naiturn-over na sa mga awtoridad sa Myanmar.

“A video suggests that HADUCO directly handed them to the Myanmar Navy. HADUCO might collaborate with the Vietnamese government,” ayon kay Nay San Lwin, coordinator ng grupo.

Ang HADUCO ay ang Vietnamese marine service company.

“Our concern is the fate of 154 Rohingya people. They are now in the hands of the military junta. The junta has been arresting and imprisoning thousands of Rohingya since the coup in February 2021,” aniya.

Sa ulat, naistranded ang sinasakyan ng Rohingya refugees nang makaranas ito ng engine failure na bumibyahe pa noong Nobyembre mula sa Bangladesh.

Matatandaan na ang Bangladesh ay nagbigay ng matutuluyan sa 1.2 milyon na Rohingya refugees, dahil sa military crackdown ng Myanmar. RNT/JGC