155 nasawi kay ‘Paeng’ – NDRRMC

155 nasawi kay ‘Paeng’ – NDRRMC

November 5, 2022 @ 1:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines — Umakyat na sa 155 ang bilang ng mga naiuulat na nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Paeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa latest situational report nitong Sabado ng umaga.

Sa bilang na ito, 121 ang kumpirmado na habang 34 pa ang bineberipika.

Karamihan sa mga pagkasawi ay naiulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (63) dahil sa pagbaha at landslide sa Maguindanao del Norte.

Naiulat naman sa Calabarzon ang 34 patay habang sa Western Visayas ay 33.

Naitala rin sa mga sumusunod na rehiyon ang mga nasawi sa bagyo: Eastern Visayas, (5), Zamboanga Peninsula (4),  Soccsksargen (4), Mimaropa (3),  Cagayan Valley (2),  Central Luzon (2),  Bicol region (2),  Central Visayas (2) at Cordillera Administrative Region (1).

Ilang rehiyon naman sa bansa ang nagtamo ang 129 injuries, habang 34 pa ang nawawala. RNT/SA