156 illegal POGO workers na-deport na-BI

156 illegal POGO workers na-deport na-BI

January 5, 2023 @ 7:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 156 dayuhan ang ipinatapon o dineport ng Bureau of Immigration dahil sa hindi lisensyadong pagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon sa BI, ito ay 42% ng 368 foreign nationals na konektado sa illegal POGO operations sa Pasig City at Angeles City.

Ipinakita sa datos na sa 156 na dayuhan, pito ang na-deport noong Disyembre 16, 2022.

Samantala, 27 ang na-deport noong Disyembre 21, 2022 at 23 noong Disyembre 28, 2022.

“The BI is in the process of securing all necessary documents and clearances for the deporting of the remaining 212 foreign nationals who lack travel documents and confirmed airline tickets,” saad pa sa abiso. RNT